Huwebes, Hunyo 29, 2023

Kabataan! hindi kabataan lang

     

    

larawang mula sa facebook

    Pagbabago ang susi sa panibagong pinto ng iyong bubuksan. Oras na makialam mga kabataang pag-asa ng bayan sa mga issue na laganap sa ating lipunan. Ngunit bago ang lahat, kailangang muna simulan sa iyong sarili sapagkat ikaw na kabataan ang tanging maasahan. Simpatya mo ba ay maasahan? Isa ka ba sa kabataan na  marunong lumingon sa pinanggalingan? Kaya mo ba na ipaglaban ang ating bayan? Ang korni  pakinggan subalit may malaki kang maitutulong sa ating bayan.

     Karamihan sa mga kabataan ngayon ay mahusay ang ideya malawak kung mag isip kaya naman madali nilang natutunan ang mga bagay-bagay sa modernong panahon na ito. Minsan nagkukulang lang sa sipag at tiyaga subalit ang ilan pa rin naman ay maasahan.

     Wala namang perpektong tao sa mundong ito lahat nagkakamali, lumilihis ng landas at nagiging mapusok kung minsan pero handa pa rin naman magbago para sa kanilang kinabukasan. Kaya ikaw, habang binabasa mo ito, imulat mo ang iyong mga mata sa paligid huwag mong hayaan na mapariwara ang buhay bagkus gawin mo itong makabuluhan. Hindi puro lakwatsa, sinunog ang atay at walang kuwenta sa bahay. Sayang ang kaalaman na sana ay iyong natutunan, sayang din ang magagandang oportunidad na dapat ay iyong nakakamtan.

     Ako bilang isang kabataan sa panahon na ito, isa rin ako sa mga pasaway at hindi nakikialam sa paligid. Ang totoo, nagkakaroon lang ako ng pakialam ay sa kung ano lang ang kaharap ko. Hindi ko man lang ginusto manuod ng mga balita at iba pang may kinalaman sa lipunan. Subalit, bilang mag-aaral na kinukuha ang kursong ito masasabi kong kahit papaano ay natututo na akong makinig sa mga balita at nagkakaroon na rin ng pakialam sa paligid dahil na rin siguro mga aking mga kaibigan at lalong lalo na sa mga guro na iminulat kami sa kalagayan ng ating lipunan mula noon hanggang ngayon.

     Para sa bayan, ang pag-ibig ang gamitin mo kung kaya mong ibigin ang iyong kapwa kaya mo rin ibigin ang bayang kinagisnan mo. May laban ka may pinag-aralan o wala boses ng kabataan upang ipaglaban ang masang nahihirapan sa ating lipunan. Nasa ating kamay ang pagbabago sa ating bayan. Isipan ay buksan sa maraming bagay. Wag sayangin ang talino, Paghusayin dahil ikaw ay maasahan. Ikaw ang pagbabago sa bayan. Maging makabuluhan ka sa ating bayan, itatak mo sa isip ng bawat mamayan na hindi ka kabataan lang.

Bakit 'di natin makiliti ang sarili natin?

https://www.clipartmax.com/

 "Hinahanap na ligaya"

          Ang ligayang maaring matamasa sa iba ay kaya din nating gawin sa ating sarili. Ngunit, anong mayroon sa ating sarili, bakit 'di natin kayang paligayahin ang ating sarili katulad ng pagkiliti ng iba sa atin na Ganon pa rin naman ang pagkakaiba ay ikaw lang yung kikiliti sa sarili mo?

     Ang katawan ng tao ay isa sa mga pinaka misteryosong sistema sa kalikasan, na hindi pa lubusang matutuklasan ng tao. Kaya, ang isa sa mga hindi maipaliwanag na Bakit 'di natin makiliti ang sarili natin? Kung ako ang tatanungin siguro dahil sa aware  o alam na natin ang   mangyayari sa atin. Subalit, pag-ibang tao ang kilikiliti sa atin, hindi natin alam kung saan at kailan tayo nila kikilitiin, kaya siguro minsan matutuklasan na lang din natin na sa part pala ng katawan natin na ito ay mayroon tayong tinatawag na ''kiliti''.

     Subalit, ako nahanap ko ang kiliti ko, nagawa kong kilitiin ang aking sarili sa pamamagitan ng  paglilinis ng aking tenga, katulad ng pagkiliti ng iba, ang pakiramdam. Ay ganon din sa aking pakiramdam sa tuwing lilinisin ako ang aking tenga. Ngingiti/tatawa na animo'y may ibang taong humawak sa bahaging ito at ramdam na ramdam ng buong pagkatao. Napagtanto ko na ang ligaya pala ay hindi lang makukuha at makikita sa tao sa cotton buds din pala.

Sa pangkalahatan, Kaya rin natin kilitiin ang sarili at maging masaya kung ang iba ay nahahanap ang ligaya o ang kiliti nila ay sa iba, ako ay nahanap ko din ang ligaya, sa cotton buds. 

Nauuhaw din ba ang isda?

    
https://ph.lovepik.com/

    Magandang gabi parang ako. Ako si Kyla pielago at nandito sa harapan niyo upang sagutin ang tanong na. Nauuhaw rin ba ang isda? 
     Tubig ay buhay. Lahat tayong nabubuhay sa mundong ito ay kailangang ang tubig, kahit ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa ay kailangan ang tubig para mabuhay. Isa ito sa nagbibigay buhay sa ating nag-e-exist sa mundong ito. Ikaw, naniniwala ka ba na ang isda ay nauuhaw? Kahit na alam naman nating lahat na bubuhay sila ay sa tubig? 
     Kapag ako ang tatanungin, Oo ang sagot ko. Sapagkat hindi naman porket nakatira sa tubig ay hindi na sila nauuhaw. Sa aking palagay katulad natin na mga tao may limitasyon o oras lang din kapag-iinom. Sapagkat, maaring makasama rin sa kanila ang sobrang tubig kaya katulad natin umiinom lang din sila ng tubig kapag nakararamdam ng pagkauhaw. Hindi man parehas sila na tao o hayop ang kinumpara pero kung minsan ang danas ng tao ay nagkakatulad din ng danas ng hayop. Kapag tayo napapagod galing sa paglakad o kaya naman sa pagtakbo o kaya naman pagpagod na sa buhay diba tubig pa rin kung minsan ang hanap natin kasabay nito ang pagbuntong hininga. At sa panahon na ito kung saan sila ay uhaw hindi man sa literal na pagpapakahulugan na uhaw na kailangan ay tubig, ang pagkauhaw na tinutukoy ko ay ang pagkauhaw sa mga bagay na kailangan nating bigyan ng importansya sila dahil kung patuloy ang paggamit ng mga ipinagbabawal na dinamita  na nakasisira ng kanilang tirahan. Isa pa, ang pagtatapon ng basura (katulad ng plastic na matagal bago matunaw)sa karagatan na ang ilan sa kanila ay nakakain ito na kung saan maaring magdala ng sakit kapag tayo ay nakakain ng pagkaing isda. Ang pagiging uhaw nila sa mga tao na  murunong din sana bumalik ng kabutihan kasi kung mapapansin natin wala maman silang ginagawang masama sa atin tayo pa nga ang nakikinabang sa kanila, kaya sana tayo matutong tumingin at nakiramdam sa paligid na huwag lang gamit ng gamit ng isang bagay na matapos mapakinabangan ay hindi marunong magbalik ng naayon sa kung ano ang kinuha mo. Kung ikaw nga na tao nagiging uhaw sa pagpapahalaga at pagrespeto ng kapwa ano pa kaya ang hayop na mapapakinabangan mo? Tandaan mo na hindi lang tubig ang magtatanggal ang pagkauhaw kasi may mga bagay na hindi kayang maibsan ng tubig lang.
     Ang pagbibigay ng literal na pagpapakahulugan maaring sagutin na oo pwede rin naman na hindi depende kung papaano mo bibigyan ng kahulugan ang tanong na ito. Ang tubig na ang buhay nila hindi sila mabubuhay kung wala ang tubig. Kaya ikaw itatak mo sa isip mo na ingatan at huwag balahurain ang kanilang tirahan kasi hindi lang sa kanila magkakaroon ng epekto ito  kundi sa ating mga tao na may mas magiging malaking epekto lalo na sa kalusugan. Ang tanong na ito ay nagsimula sa nakakatuwa pero nagtapos sa seryosong sagot. Kaya tatawa ka pa ba?

Pabula



 "HABLUSAM"

KUWENTO NG MAGKAKAIBIGAN NA PUSA

     Isang araw namamasyal ang magkakaibigang  sina Hariet, Blumiret at Sammy. Nakakita ng pagkain si Blumiret, sa magkakaibigan na pusa siya ang may ugaling madamot kaya naman dali-dali itong gustong maglakad sa kinaroroonan ng pagkain. 

     "Mga kaibigan uuna na muna ako sa inyo, may titingnan lang ako banda roon" Sabi ni Blumiret.

     "Saan ka pupunta?" Tanong ni Hariet. 

     "Isama mo na lang kami." Ang pahabol na sagot ni Sammy. 

     Hindi maari, bakâ kung anong mangyari sa inyo, parang delikado. Ako na lang kasi hindi naman sa pagmamayabang ako lang ang pinaka malakas at matapang sa ating tatlo. Ang tugon ni Bumiret sa dalawang niyang kaibigan. 

     Hinayaan na lang ng dalawa na mauna si Blumiret. Nagpatuloy na lang sila sa paglalakad. Samantala, si Blumiret ay umuna na sa kanilang dalawa. Habang papalapit ang dalawa nakikita nilang may ginawa si Blumiret at ng tipong ito ay kakalabitin, bigla itong nagulat sapagkat silang dalawa ay nasa likod na niya.

     Si Sammy at  Hariet ay nagulat sa kanilang nakita. "Anong ginagawa n'yo rito?" gulat na pagtanong sa dalawang kaibigan. 

     "Dapat kami ang matatanong niyan." Sagot ng kaibigan niyang si Sammy. 

     "Akala ko ba kaibigang mo kami? Bakit kumakain ka mag-isa na hindi kami kasama? At  kasama mo kami, hindi ba?" Ang sabi naman Hariet. "Kaya pala  dali-dali kang gustong humiwalay sa amin dahil dito sa pagkaing nakita mo." Dagdag pa nito.

      "Kuma....kalam na kasi ang aking sikmura, ilang araw na akong hindi kumakain kaya ngawa ko ang mga bagay na ito. " Ang sabi ni Blumiret na nangangatal. 

     "Sa tingin mo ba hindi ka namin mauunawaan? Dapat sinabihan mo kami, hindi 'yong pinagtataguan mo kami dahil sa pagkain. 

     Hindi mo alam, kaya nga namin ikaw inakit lumabas upang maghanap tayo ng makakain at may plano kami ni Hariet kung sakaling makakita man kami ng pagkain ay ibibigay na lang namin sa iyo." Ang sagot ni Sammy. 

     "Dahil sa asal mo, bigla ko tuloy  pinagduduhan na ang ating pagkakaibigan. Kung pinagkakatiwalaan mo ba kami? Kaibigan mo ba kaming itinuturing o kakompetensya sa tuwing makakakita ng pagkain." Ang sabi ni Hariet 

     Blumiret: Patawad mga kaibigan. Dala lang ito ng aking pag-aalinlangan. Bago ko pa kayo makilala nagkaroon ako ng karanasang hindi makakalimutan na humantong sa pagiging wala kong tiwala kahit sa kaibigan . Bago ako mapadpad sa lugar na ito dumanas muna ako at ang aking dalawang kaibigan ng matinding gutom. Trinaydor nila ako, sila lang dalawa ang nakinabang sa mga pagkain na nahanap namin at ako hinayaan nilang magutom.

      "Mauunawaan ka naman namin sa kalagayan mo na iyan. Ang sa amin lang sana sinabihan mo man lang kami, ipinaalam mo sana hindi 'yong pagtataguan mo kami at parang itinuturing mo rin kaming iba at kaaway." Ang sabi ni Hariet. 

     Nagkatinginan naman ang dalawa si Sammy at Hariet.

      "Huwag mo na lang gawin ulit. Kung sakali man na makakita ka ay magsabi ka na lang sa amin." Sabi ni Sammy. 

     "Maraming salamat sa pang-unawa. Tanggapin n'yo sana ang pagkain na ito ng kahit papaano naman ay makabawi ako."Ang tugon naman ni Blumiret sa kanyang mga kaibigan. 

      Masayang kumakain ang tatlo. Bago matapos ang araw ay pabalik na ulit sila sa munti nilang tahanan.

Moral: Ang pagdedesisyon ng hindi pinag-isipan ng mabuti ay maaring humantong sa resulta na pagsisisihan mo sa huli lalo na kung ang tiwala ng kapwa mo ang magiging kapalit. 


Oda


Kay Makata

Kahit anong gawin ko hindi ka maalis  sa isipan ko lalo noong nakatambay tayo sa may simbahan, habang tayo'y  nakatingin sa langit na nababalot ng madilim 

ang  buwan  na siyang tanglaw sa ating tambayan ang saksi sa ating masasayang kwentuhan. 

Ang paglipas ng oras ay hindi na namamalayan, uuwi ka pa, malayo nga pala ang iyong tahanan.

Namumukod tangi ka aking tinatangi, mundo  ko'y tunay saiyong napalapit.

Pagdaan ng araw loob ko'y lumalalim, bigla tuloy akong napapaamin.

'di ko lubos maisip na mangyayari sa'kin 'to bat ganto?

Sa tuwing siya'y lalapit, bigla itong babanat ng mga kalokohan na pagsisimulan ng aming tawanan na biglang mapupunta sa seryosong usapan ang kalokohan na aming pinagsaluhan. 

Biyaya ng maykapal ang isang tulad mo'y makilala ng binibining katulad ko, bihira makatagpo ng tulad mo na makakasundo ang ugali ko 

Wala na nga rin hihilingin ibinigay na ni Bathala ang tulad mo, ikaw na ang hintay ng binibining katulad ko.


Mga tulang "Haiku"

 

                                                            http://angkahayag.blogspot.com/


"Pusa"

Aking alaga

ito'y nakahilata

Sana-all pusa


"Buhay kolehiyo"

Katawang lupa

k'ilan matatamasa

kain't hilata


"Pagod"

Nakakapagod

panghilot, humahagod

hatid ay lugod


"Boarder"

Kayang magtiis

kahit ulam 'di nais

'wag lang mainis


" Padayon"

Maging matibay

sa hinaning ng buhay

'wag mananamlay




Ako Bilang Mag-aaral


"Ako Bilang Mag-aaral"

Soneto


Sa buhay nakikipagsapalaran

pangarap mong pinanghahawakan

kahirapang gustong talikuran

sa mundong aking tinatapakan


Ikaw man ay hindi kagalingan

Magtiwala sa'yong kakayahan

Tibay ng dadamin kailangan

Pursigido't may patutunguhan


Nawa'y maabot ang iyong nais 

mahal na Bathala iyong dinggin

'di pansarili ang kanyang nais

Handang sarili'y sa'yo ihain


Ikaw ay nagbitaw ng pangako

Pagbutihan at huwag susuko

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

Kuwentong Bayan

 

Colong-Colong Beach

     Ayon sa sabi-sabi “ huwag kayong pupunta sa malayo kapag kayo ay liligo sa dagat na ‘yan, hanggat maari ay matatanaw pa rin kayo ng mga kasama n’yo” Ito ang kadalasang maririnig sa mga matatanda sa aming lugar.

     Ang dagat na tinatawag nilang Colong-Colong , tuwing mahal na araw taon-taon sa lugar ng San Francisco. Pinaniniwalaang may kailangan magsakripisyo o magbuwis ng buhay. Kaya naman kapag papalapit na ang mahal na araw walang naliligo sa lugar na ito, ngunit may ilan paring mga taong hindi mapagsabihan kung kaya naman ay may mababalitaan na lang ang mga tao sa aming lugar na may nagbuwis na naman ng buhay sa dagat na ito. Hindi maiaalis na may kagandahan talaga ang lugar na ito, ang tubig na mapang-akit at ang dalampasigag napakagandang lakaran at mayroong din itong mga puntong nakakainganyang tingnan na ilang hakbang lang ang layo patungo sa karagatan.May usap usapan na kaya raw Colong-Colong ang ipinangalan sa lugar na iyon dahil sa mga taong bigla na lang nawawala.

     Hindi rin ako naniniwala sa mga ganito kasi para sa akin ay kung maniniwala ka tatakutin mo lang ang sarili mo, subalit dahil nga sa palaging paalala ng aking magulang at ibang mga tao sa tuwing may outing kami ang bukang bibig nila ang mag-iingat kayo dahil ang dagat pala nayon ay hindi lang mahal na araw kumukuha ng buhay. Gayun pa man patuloy pa ring tinatangkilik ang lugar na ito marahil sa malapit at sa kagandahang taglay nito.

     Gayun pa man, nasa tao pa rin kung maniniwala sila o hindi. Nasa tao na rin kung makikinig sila sa mga payo at mag-ingat sa tuwing liligo o magagawi sila sa lugar na ito.

Salamin sa mata

     

    


    Salamin sa mata ang aking puhunan sa pang araw araw. Ito ang nagbibigay linaw sa aking buhay. Pagwala ito, hindi ko makita ang ganda ng paligid. Binabagtas ko ang mga daan na hindi aninag ang itsura, nangangapa sa  patutunguhan. Subalit, bakit nga ba salamin sa mata ang inihalintulad ko sa aking sarili? Ano ba ang kaugnayan nitong bagay na ito sa pagkatao ko?

     Marahil karamihan sa atin alam na kung ano ang purpose ng salamin sa mata, oo. Tama ka. Kung ano ang naiisip mo ay 'yon na. Pero ito ay may malaking bagay  na itulong sa akin. Salamin sa mata ang nagre-representa ng aking pagkatao. Bakit? Sapagkat kung wala ang salamin sa aking mga mata walang silbi ang ganda ng paligid o kaya naman ang ganda mong lalaki, lahat ng 'yan ay hindi ko makikita. Puwera na lang kung lalapitan ko at titingnan sa malapitan, nakikita ko na 'yan. Parehas din kaming mahalaga.  Ang salamin sa mata ang nagbibigay linaw  sa katulad kong may diperensya sa mata mahalaga ang bagay na ito upang magbigay linaw sa mga bagay bagay na makikita sa paligid, Ako ang pagiging mahalaga ko sa mundo na ito ay ginagawa jo ang tungkulin ko bilang tao. Ang halaga naming dalawa ay pareho kaming napakikinabangan sa mundong ito. Pinagkaiba nga lang ay tao ako soya ay bagay.

     May mag pagkakataon naman na nagpapahirap sa aking sitwasyon ang walang salamin sa mata  lalo na sa pag-aaral. Minsan hindi na ako maka pokus sa aralin dahil sa aking mata, biglang sasakit at hirap akong tingnan ang nakasulat sa pisara. Dagdag pa, limitado ang mga kilos lalo na kung madilim dahil nga sa mahina na ang mata kailangan palagi ng dobleng ingat kasi kalakip nito palagi ay kapahamakan.

     Pasalamat ako sa bagay na ito dahil kung wala ito, Paano kaming malabo ang mata? Paano na lang namin makikita ang ganda ng paligid. May mga ibang paraan na maaring gawin para luminaw, pero sa katulad ko na walang hawak na salapi mahirap para sa amin ang kitain ito, kaya naman kung alin ang mura at kaya ng bulsa ito lang ang ibinigay na lunas para sa aming sarili.

     Ang salamin ay walang silbi kung walang gumagamit, ganon din ako pakiramdam ko wala akong kakayahan gawin ang ilang bagay kapag wala akong salamin. Kaya ang salamin sa mata ang pinaka mahalagang bagay na mayroon ako sa mga oras na ito. 

Abakada ng buhay "Mood ko"

https://pngtree.com/freepng/mood-card_6795143.html


A- Araw na kay ganda.
Ba-Bakit ang mundo'y parang pasan mo na?
Ka- Kahapon mo ba'y hindi naging maganda?
Da-Damhin mo rin naman ang ganda ng umaga.
E- Ewan na sa mukha mong 'di maipinta.
Ga- gaganda pa ba iyong umaga?
Ha- Halika
I-Ililibot kita
La-lalakbayin natin kung saan ka magiging masaya.
Ma- Maranasan mo rin naman sana maging malaya.
Na- Nang madampian na din ng sariwang hangin ang maamo mong mukha.
Nga- Ngayon tila ika'y nasabik.
O- Oras ay hindi namalayan
Pa- Pagngiti mong kariktan
Ra- Ramdam na ang iyong kaligayahan 
Sa - Sa wakas, nakita na ang ligaya 
Ta- Tanaw na tanaw sa'yong mga mata
U- Umaasa na sana'y laging nang makikita
Wa- Walang katulad ang kariktang nakikita.
Ya - Yabag na laging mo sanang sundan.


Kabataan! hindi kabataan lang

           larawang mula sa facebook      Pagbabago ang susi sa panibagong pinto ng iyong bubuksan. Oras na makialam mga kabataang pag-asa n...