Magandang gabi parang ako. Ako si Kyla pielago at nandito sa harapan niyo upang sagutin ang tanong na. Nauuhaw rin ba ang isda?
Tubig ay buhay. Lahat tayong nabubuhay sa mundong ito ay kailangang ang tubig, kahit ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa ay kailangan ang tubig para mabuhay. Isa ito sa nagbibigay buhay sa ating nag-e-exist sa mundong ito. Ikaw, naniniwala ka ba na ang isda ay nauuhaw? Kahit na alam naman nating lahat na bubuhay sila ay sa tubig?
Kapag ako ang tatanungin, Oo ang sagot ko. Sapagkat hindi naman porket nakatira sa tubig ay hindi na sila nauuhaw. Sa aking palagay katulad natin na mga tao may limitasyon o oras lang din kapag-iinom. Sapagkat, maaring makasama rin sa kanila ang sobrang tubig kaya katulad natin umiinom lang din sila ng tubig kapag nakararamdam ng pagkauhaw. Hindi man parehas sila na tao o hayop ang kinumpara pero kung minsan ang danas ng tao ay nagkakatulad din ng danas ng hayop. Kapag tayo napapagod galing sa paglakad o kaya naman sa pagtakbo o kaya naman pagpagod na sa buhay diba tubig pa rin kung minsan ang hanap natin kasabay nito ang pagbuntong hininga. At sa panahon na ito kung saan sila ay uhaw hindi man sa literal na pagpapakahulugan na uhaw na kailangan ay tubig, ang pagkauhaw na tinutukoy ko ay ang pagkauhaw sa mga bagay na kailangan nating bigyan ng importansya sila dahil kung patuloy ang paggamit ng mga ipinagbabawal na dinamita na nakasisira ng kanilang tirahan. Isa pa, ang pagtatapon ng basura (katulad ng plastic na matagal bago matunaw)sa karagatan na ang ilan sa kanila ay nakakain ito na kung saan maaring magdala ng sakit kapag tayo ay nakakain ng pagkaing isda. Ang pagiging uhaw nila sa mga tao na murunong din sana bumalik ng kabutihan kasi kung mapapansin natin wala maman silang ginagawang masama sa atin tayo pa nga ang nakikinabang sa kanila, kaya sana tayo matutong tumingin at nakiramdam sa paligid na huwag lang gamit ng gamit ng isang bagay na matapos mapakinabangan ay hindi marunong magbalik ng naayon sa kung ano ang kinuha mo. Kung ikaw nga na tao nagiging uhaw sa pagpapahalaga at pagrespeto ng kapwa ano pa kaya ang hayop na mapapakinabangan mo? Tandaan mo na hindi lang tubig ang magtatanggal ang pagkauhaw kasi may mga bagay na hindi kayang maibsan ng tubig lang.
Ang pagbibigay ng literal na pagpapakahulugan maaring sagutin na oo pwede rin naman na hindi depende kung papaano mo bibigyan ng kahulugan ang tanong na ito. Ang tubig na ang buhay nila hindi sila mabubuhay kung wala ang tubig. Kaya ikaw itatak mo sa isip mo na ingatan at huwag balahurain ang kanilang tirahan kasi hindi lang sa kanila magkakaroon ng epekto ito kundi sa ating mga tao na may mas magiging malaking epekto lalo na sa kalusugan. Ang tanong na ito ay nagsimula sa nakakatuwa pero nagtapos sa seryosong sagot. Kaya tatawa ka pa ba?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento