Huwebes, Hunyo 29, 2023

Kabataan! hindi kabataan lang

     

    

larawang mula sa facebook

    Pagbabago ang susi sa panibagong pinto ng iyong bubuksan. Oras na makialam mga kabataang pag-asa ng bayan sa mga issue na laganap sa ating lipunan. Ngunit bago ang lahat, kailangang muna simulan sa iyong sarili sapagkat ikaw na kabataan ang tanging maasahan. Simpatya mo ba ay maasahan? Isa ka ba sa kabataan na  marunong lumingon sa pinanggalingan? Kaya mo ba na ipaglaban ang ating bayan? Ang korni  pakinggan subalit may malaki kang maitutulong sa ating bayan.

     Karamihan sa mga kabataan ngayon ay mahusay ang ideya malawak kung mag isip kaya naman madali nilang natutunan ang mga bagay-bagay sa modernong panahon na ito. Minsan nagkukulang lang sa sipag at tiyaga subalit ang ilan pa rin naman ay maasahan.

     Wala namang perpektong tao sa mundong ito lahat nagkakamali, lumilihis ng landas at nagiging mapusok kung minsan pero handa pa rin naman magbago para sa kanilang kinabukasan. Kaya ikaw, habang binabasa mo ito, imulat mo ang iyong mga mata sa paligid huwag mong hayaan na mapariwara ang buhay bagkus gawin mo itong makabuluhan. Hindi puro lakwatsa, sinunog ang atay at walang kuwenta sa bahay. Sayang ang kaalaman na sana ay iyong natutunan, sayang din ang magagandang oportunidad na dapat ay iyong nakakamtan.

     Ako bilang isang kabataan sa panahon na ito, isa rin ako sa mga pasaway at hindi nakikialam sa paligid. Ang totoo, nagkakaroon lang ako ng pakialam ay sa kung ano lang ang kaharap ko. Hindi ko man lang ginusto manuod ng mga balita at iba pang may kinalaman sa lipunan. Subalit, bilang mag-aaral na kinukuha ang kursong ito masasabi kong kahit papaano ay natututo na akong makinig sa mga balita at nagkakaroon na rin ng pakialam sa paligid dahil na rin siguro mga aking mga kaibigan at lalong lalo na sa mga guro na iminulat kami sa kalagayan ng ating lipunan mula noon hanggang ngayon.

     Para sa bayan, ang pag-ibig ang gamitin mo kung kaya mong ibigin ang iyong kapwa kaya mo rin ibigin ang bayang kinagisnan mo. May laban ka may pinag-aralan o wala boses ng kabataan upang ipaglaban ang masang nahihirapan sa ating lipunan. Nasa ating kamay ang pagbabago sa ating bayan. Isipan ay buksan sa maraming bagay. Wag sayangin ang talino, Paghusayin dahil ikaw ay maasahan. Ikaw ang pagbabago sa bayan. Maging makabuluhan ka sa ating bayan, itatak mo sa isip ng bawat mamayan na hindi ka kabataan lang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kabataan! hindi kabataan lang

           larawang mula sa facebook      Pagbabago ang susi sa panibagong pinto ng iyong bubuksan. Oras na makialam mga kabataang pag-asa n...