"HABLUSAM"
KUWENTO NG MAGKAKAIBIGAN NA PUSA
Isang araw namamasyal ang magkakaibigang sina Hariet, Blumiret at Sammy. Nakakita ng pagkain si Blumiret, sa magkakaibigan na pusa siya ang may ugaling madamot kaya naman dali-dali itong gustong maglakad sa kinaroroonan ng pagkain.
"Mga kaibigan uuna na muna ako sa inyo, may titingnan lang ako banda roon" Sabi ni Blumiret.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Hariet.
"Isama mo na lang kami." Ang pahabol na sagot ni Sammy.
Hindi maari, bakâ kung anong mangyari sa inyo, parang delikado. Ako na lang kasi hindi naman sa pagmamayabang ako lang ang pinaka malakas at matapang sa ating tatlo. Ang tugon ni Bumiret sa dalawang niyang kaibigan.
Hinayaan na lang ng dalawa na mauna si Blumiret. Nagpatuloy na lang sila sa paglalakad. Samantala, si Blumiret ay umuna na sa kanilang dalawa. Habang papalapit ang dalawa nakikita nilang may ginawa si Blumiret at ng tipong ito ay kakalabitin, bigla itong nagulat sapagkat silang dalawa ay nasa likod na niya.
Si Sammy at Hariet ay nagulat sa kanilang nakita. "Anong ginagawa n'yo rito?" gulat na pagtanong sa dalawang kaibigan.
"Dapat kami ang matatanong niyan." Sagot ng kaibigan niyang si Sammy.
"Akala ko ba kaibigang mo kami? Bakit kumakain ka mag-isa na hindi kami kasama? At kasama mo kami, hindi ba?" Ang sabi naman Hariet. "Kaya pala dali-dali kang gustong humiwalay sa amin dahil dito sa pagkaing nakita mo." Dagdag pa nito.
"Kuma....kalam na kasi ang aking sikmura, ilang araw na akong hindi kumakain kaya ngawa ko ang mga bagay na ito. " Ang sabi ni Blumiret na nangangatal.
"Sa tingin mo ba hindi ka namin mauunawaan? Dapat sinabihan mo kami, hindi 'yong pinagtataguan mo kami dahil sa pagkain.
Hindi mo alam, kaya nga namin ikaw inakit lumabas upang maghanap tayo ng makakain at may plano kami ni Hariet kung sakaling makakita man kami ng pagkain ay ibibigay na lang namin sa iyo." Ang sagot ni Sammy.
"Dahil sa asal mo, bigla ko tuloy pinagduduhan na ang ating pagkakaibigan. Kung pinagkakatiwalaan mo ba kami? Kaibigan mo ba kaming itinuturing o kakompetensya sa tuwing makakakita ng pagkain." Ang sabi ni Hariet
Blumiret: Patawad mga kaibigan. Dala lang ito ng aking pag-aalinlangan. Bago ko pa kayo makilala nagkaroon ako ng karanasang hindi makakalimutan na humantong sa pagiging wala kong tiwala kahit sa kaibigan . Bago ako mapadpad sa lugar na ito dumanas muna ako at ang aking dalawang kaibigan ng matinding gutom. Trinaydor nila ako, sila lang dalawa ang nakinabang sa mga pagkain na nahanap namin at ako hinayaan nilang magutom.
"Mauunawaan ka naman namin sa kalagayan mo na iyan. Ang sa amin lang sana sinabihan mo man lang kami, ipinaalam mo sana hindi 'yong pagtataguan mo kami at parang itinuturing mo rin kaming iba at kaaway." Ang sabi ni Hariet.
Nagkatinginan naman ang dalawa si Sammy at Hariet.
"Huwag mo na lang gawin ulit. Kung sakali man na makakita ka ay magsabi ka na lang sa amin." Sabi ni Sammy.
"Maraming salamat sa pang-unawa. Tanggapin n'yo sana ang pagkain na ito ng kahit papaano naman ay makabawi ako."Ang tugon naman ni Blumiret sa kanyang mga kaibigan.
Masayang kumakain ang tatlo. Bago matapos ang araw ay pabalik na ulit sila sa munti nilang tahanan.
Moral: Ang pagdedesisyon ng hindi pinag-isipan ng mabuti ay maaring humantong sa resulta na pagsisisihan mo sa huli lalo na kung ang tiwala ng kapwa mo ang magiging kapalit.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento