Miyerkules, Hunyo 28, 2023

Salamin sa mata

     

    


    Salamin sa mata ang aking puhunan sa pang araw araw. Ito ang nagbibigay linaw sa aking buhay. Pagwala ito, hindi ko makita ang ganda ng paligid. Binabagtas ko ang mga daan na hindi aninag ang itsura, nangangapa sa  patutunguhan. Subalit, bakit nga ba salamin sa mata ang inihalintulad ko sa aking sarili? Ano ba ang kaugnayan nitong bagay na ito sa pagkatao ko?

     Marahil karamihan sa atin alam na kung ano ang purpose ng salamin sa mata, oo. Tama ka. Kung ano ang naiisip mo ay 'yon na. Pero ito ay may malaking bagay  na itulong sa akin. Salamin sa mata ang nagre-representa ng aking pagkatao. Bakit? Sapagkat kung wala ang salamin sa aking mga mata walang silbi ang ganda ng paligid o kaya naman ang ganda mong lalaki, lahat ng 'yan ay hindi ko makikita. Puwera na lang kung lalapitan ko at titingnan sa malapitan, nakikita ko na 'yan. Parehas din kaming mahalaga.  Ang salamin sa mata ang nagbibigay linaw  sa katulad kong may diperensya sa mata mahalaga ang bagay na ito upang magbigay linaw sa mga bagay bagay na makikita sa paligid, Ako ang pagiging mahalaga ko sa mundo na ito ay ginagawa jo ang tungkulin ko bilang tao. Ang halaga naming dalawa ay pareho kaming napakikinabangan sa mundong ito. Pinagkaiba nga lang ay tao ako soya ay bagay.

     May mag pagkakataon naman na nagpapahirap sa aking sitwasyon ang walang salamin sa mata  lalo na sa pag-aaral. Minsan hindi na ako maka pokus sa aralin dahil sa aking mata, biglang sasakit at hirap akong tingnan ang nakasulat sa pisara. Dagdag pa, limitado ang mga kilos lalo na kung madilim dahil nga sa mahina na ang mata kailangan palagi ng dobleng ingat kasi kalakip nito palagi ay kapahamakan.

     Pasalamat ako sa bagay na ito dahil kung wala ito, Paano kaming malabo ang mata? Paano na lang namin makikita ang ganda ng paligid. May mga ibang paraan na maaring gawin para luminaw, pero sa katulad ko na walang hawak na salapi mahirap para sa amin ang kitain ito, kaya naman kung alin ang mura at kaya ng bulsa ito lang ang ibinigay na lunas para sa aming sarili.

     Ang salamin ay walang silbi kung walang gumagamit, ganon din ako pakiramdam ko wala akong kakayahan gawin ang ilang bagay kapag wala akong salamin. Kaya ang salamin sa mata ang pinaka mahalagang bagay na mayroon ako sa mga oras na ito. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kabataan! hindi kabataan lang

           larawang mula sa facebook      Pagbabago ang susi sa panibagong pinto ng iyong bubuksan. Oras na makialam mga kabataang pag-asa n...