Colong-Colong Beach
Ayon sa sabi-sabi “ huwag kayong pupunta sa malayo kapag kayo ay liligo sa dagat na ‘yan, hanggat maari ay matatanaw pa rin kayo ng mga kasama n’yo” Ito ang kadalasang maririnig sa mga matatanda sa aming lugar.
Ang dagat na tinatawag nilang Colong-Colong , tuwing mahal na araw taon-taon sa lugar ng San Francisco. Pinaniniwalaang may kailangan magsakripisyo o magbuwis ng buhay. Kaya naman kapag papalapit na ang mahal na araw walang naliligo sa lugar na ito, ngunit may ilan paring mga taong hindi mapagsabihan kung kaya naman ay may mababalitaan na lang ang mga tao sa aming lugar na may nagbuwis na naman ng buhay sa dagat na ito. Hindi maiaalis na may kagandahan talaga ang lugar na ito, ang tubig na mapang-akit at ang dalampasigag napakagandang lakaran at mayroong din itong mga puntong nakakainganyang tingnan na ilang hakbang lang ang layo patungo sa karagatan.May usap usapan na kaya raw Colong-Colong ang ipinangalan sa lugar na iyon dahil sa mga taong bigla na lang nawawala.
Hindi rin ako naniniwala sa mga ganito kasi para sa akin ay kung maniniwala ka tatakutin mo lang ang sarili mo, subalit dahil nga sa palaging paalala ng aking magulang at ibang mga tao sa tuwing may outing kami ang bukang bibig nila ang mag-iingat kayo dahil ang dagat pala nayon ay hindi lang mahal na araw kumukuha ng buhay. Gayun pa man patuloy pa ring tinatangkilik ang lugar na ito marahil sa malapit at sa kagandahang taglay nito.
Gayun pa man, nasa tao pa rin kung maniniwala sila o hindi. Nasa tao na rin kung makikinig sila sa mga payo at mag-ingat sa tuwing liligo o magagawi sila sa lugar na ito.
.jpeg)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento