''SI BINIBINING KYLA''
Tuwing may
ganitong uri ng paksa hirap akong ilarawan ang sarili ko, marahil. Ang totoo ay
hindi ko pa rin kilala ang sarili ko, ang pagkataong nakatago sa katawang
lupang ito. Malalaking palaisipan pa rin ang mga tanong na sino ba ako? Gaano
ko kakilala ang taong nakikita n'yo? Kilala ba talaga o kilala "LANG"
sapagkat 'yon ang sinasabi ng iba?
Sisimulan ko sa
salitang "simple" marahil gamit na gamit ng marami ang salitang ito
upang ihambing sa pagkatao nila, subalit. Sa aking palagay ay nabibilang din
ako sa mga kababaihan na tinatawag nilang simple sa lipunang ito. Ito kasi ang
madaling salita na maaring ilarawan sa binibining katulad ko. Bakit nga ba?
Kahit hindi sabihin ng ibang tao pansin ko ito sa aking sirili sa pananamit,
kilos at mga hilig. Lumaki ako sa simpleng buhay at konserbatibong pamilya.
Bunso sa apat na magkakapatid. Pagdating naman sa pag-uugali, hindi ko
itatanggi na mayroong kamalditahan lalo na pagwalang salamin at isama pa rito
ang pagiging prangka, minana ko sa aking ina. Pero sa totoo, inaayon ko ang
ugali ko sa itsura. Masiyahin naman akong binibini, pagkompleto ang tulog.
Marunong makisam, makiramdam at higit sa lahat mapagkumbaba sa kapwa. Hindi ako
ma-pride na tao lalo na sa mga pinahahalagahan at iniingatan kong mga tao.
Maliban naman sa
pagpapakilala sa mga katangiang mayroon ang binibining katulad ko, mahilig
naman akong gumala. Mas nagiging masaya ako paggumagala, nagdi-discover ng mga
bagay-bagay na hindi nakikita sa loob ng bahay. Mahilig din ako mag-alaga ng
pusa, manuod ng anime, k-drama. Malapit din sa puso ko ang musika, maglaro ng
badminton at football.
Sa likod ng
pagiging simple ko na ito ang pagiging sensetibo sa maraming bagay dahil
konting pagkakamali ko, pagsuway sa mga bawal na bagay ang nagpapahirap at
inilalagay ako sa miserbaleng sitwasyon na halos ikalugmok ng aking magulang.
Madali akong dapuaan ng mga sakit kaya lahat ng bagay na gusto kong gawin ay
palaging may limitasyon.
Marami pa akong
gustong malaman sa aking sarili alam ko kasi na hindi pa ito ang totoong ako.
Hindi pa ako tapos galugarin ang buong pagkatao na mayroon ako. Sa ngayon ilan
pa lang ito na masasabi kong pagkakakilanlan sa ng pagkatao. Patuloy ko pa rin
na kinikilala ang sarili ko mula sa mga karanasan na dumataing kasi naniniwala
ako na mas matatagpuan ko ang sarili ko sa mga karanansan at hamon na darating
kinabukasan.
Bilang isang tao
na nabubuhay sa mundong patuloy ang pag-ikot, patuloy rin ang pag-ikot sa
pagkilala pa sa ating sarili hindi matatapos ang ating pagkilala sa ating
sarili sa isang pagkakataon lang. Mas magiging malalim ang ating pagkilala sa
ating sarili pagdaan pa ng mga araw. Sa ngayon, ako ay magiging ako, kung paano mo nakilala si binibining Kyla ay mananatili sa pagkakakilanlan na iyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento